finally! i already have my dream laptop.! 

finally! i already have my dream laptop.! 

Photos uploaded by my sister Glaiza.

This was my birthday celebration.:))

SEMIS NA ITO

Komunyon

          Matapos kong mangumonyon at manalangin sa Diyos ay nagmasid ako sa loob ng simbahan.  Agad na napukaw ang aking pansin ng mag-inang nasa isang tabi. Pinipilit ng ina ang kanyang anak para mangumonyon ngunit ayaw ng anak. Laking gulat ng ina sa pagtanggi ng kanyang anak sa pangungumonyon.

 

“Bakit anak?” Ang tanong ng ina sa anak.

“Kasi po di ko gusto ang ginagawa ng paring iyan.” Sagot naman ng anak.

Piningot ng ina ang kanyang anak.

“Kahit na po dalwang tenga ko pa ang pingutin ninyo, ayoko talaga!” Pagmamaktol na sagot ng anak.

“Bakit ba?” Iyamot na tanong ng ina.

“Kasi po… suwapang ang paring ‘yan e! Di n’yo po ba napapansin, parang siya lang ang nauuhaw! Di man lang tayo tirhan ng konting tubig. Siya lang nang siya ang umiinom!”

 

Pilyung bata iyon ah! Hahaha. Nainggit ba naman sa pari! Hindi ko akalain na ang isang batang katulad niya ay mag-iisip ng ganoon. Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ng bata.  Ang mga bata talaga, kakaibang mag-isip.